Amber’s POV “Sorry.” Mabilis siyang umiwas sa akin. Akmang iiwas na sana ako sa kaniya at sa mga halik niyang iyon ngunit naunahan na niya ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako pumalag. Siguro nga dahil nagulat ako sa mga nangyayari. I know and I felt it even from the start. Kahit noong unang kita ko pa lang sa kaniya noong gabing iyon sa loob ng bar ay alam kong kakaiba siya and I proved it tonight here in restaurant. “Sorry, h—hindi ko sinasdya. Y—your lips were just… uh hmm, tempting,” pansin napansin ko pa kung paano siya umiwas ng paningin sa akin na animo’y hiyang—hiya siya sa nagawa niya kamakailan lang. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang komportable kong kasama siya hind