Amber’s POV Tahimik akong nakaupo sa front seat. Gusto kong magsalita at nang mabasag ang matinding katahimikan sa pagitan namin ngunit hindi ko naman magawa. Tanging ginawa ko na lang ay ang bumaling sa labas nitong kotse at tumingin na lang sa mga nakahilerang nagagandahang mall sa labas nitong sasakyan. Napatingin ako sa oras. Alas sais na pala ng gabi kaya pala marami na ang mga taong naglilipara sa mga mall at sa plaza para gumala. Weekend na bukas kaya siguro maraming tao ang nadadaanan namin sa gilid ng mga mall. “Anong oras ba ang out mo?” tanong nito sa akin. Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Ilang minuto na rin kaming hindi naguusap. Mula nang makasakay ako sa sasakyan niyang ito ay hindi na kami nag—uusap kaya ngayong siya ang unang nagsalita ay makakahinga na rin ako ng mal