Amber’s POV “W—wala si nanay, naglalako pa. A—ang mga kapatid ko naman ay may Saturday class. Naparito ka?” nauutal kong wika habang pinipilit kong huwag isipin ang siyang tanging bumabagabag sa aking utak. Nakatuon na rin ang aking atensyon sa kaniyang mga mata. Lumunok siya ng sarili niyang laway, alam ko iyon gayong pansin na pansin ko kung paano gumalaw ang kaniyang lalagukan. “G—good.” Ang katatagang binitawan niya matapos akong magsalita. Kumunot ang aking noo. Nang mapansin niyang hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin ay saka rin siya naalerto at umiwas pa ng tingin sa akin na animo’y naiilang. “W—what I mean is, that is good. Mabuti dahil nakakapaglako pa ang nanay mo at mabuting nag—aaral ang mga kapatid mo. Can I enter inside?” tanong nito sa akin. Pinaliwanag pa ni