Amber’s POV “Do you know each other?” rinig kong tanong sa akin ni sir. Nagulat kaagad ako sa naging tanong niyang iyon lalo pa at hindi ko inaasahang magsasalita siya mula ng matinding katahimikang bumabalot ngayon dito sa loob ng mismong sasakyan. We are now riding back to our office. Medyo may kalayuan din kami ang distasya ng hotel ng mga Montemayor at ang kompanya namin kaya ilang minuto at kung masyadong traffic ay aabutin pa ng oras sa pagmamaneho. Buti na lang ay walang masyadong traffic ngayon kaya mabilis lang ang takbo namin at tuloy—tuloy din. “Who?” kunware hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Ayaw ko namang i—assume na si Luke ang ibig niyang sabihin. Nakit niya kami kanina na nag—uusap kaya siguro curious siya na malaman kung matagal na ba kaming magkakilala. Pero

