Amber’s POV Tahimik lang akong nakaupo sa front seat nitong kotse niya. Alas sais pa lang ay umalis na kami sa bahay at mula kanina ay ramdam na ramdam ko ang pagmamadali ni Luke. Ramdam na ramdam ko ang bawat kilos niyang alam kong may halong pananabik. Hindi ko alam kay nanay at kung bakit ang bilis lang niyang pumayag kapag si Luke na mismo ang magpapaalam sa kaniya. Tulad ng sinabi niya sa akin kanina ay pinagkatiwala na niya raw ako sa lalaking ito. Really? Paano niya nagawang ipagkatiwala ang anak niya sa lalaking alam kong hindi pa niya matagal na nakakasama. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko siya binalingan ng atensyon sa halip ay sa mga nagliliwanag na mall at tabing daan lang ako nakatuon. “I told you, we are going to heaven,” maibilis na sagot ko. Nakalimut