Luke’s POV “Maghanap ka nang sa ‘yo, Levi. Don’t you dare to touch my girl or else,” umaawang ang aking bibig habang sinasambit ko ang katatagan na ‘yon. Sa lagay ng pwedeng pag—andaran ng trip niya ay ngayon pa talaga. Ngayon pa talaga na nahihirapan akong makuha ang gusto ko? Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na matalo niya ako. I am Luke Montemayor and I possessed everything! Sa aming dalawa ay ako itong nangunguna. He never ever beat me at hinding—hindi iyon mangyayari. “Baka nakalimutan mo na ang rule, Luke? O baka nagbago ka lang talaga? Walang ganiyanan, bro! Magkaibigan tayo at dapat nagtutulungan! Don’t worry, kapag nasa akin na siya, tutulungan kita para ikaw naman. Ano, deal?” Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang dugo ko sa sinabi niyang ‘yon. Dati pa ay