Luke’s POV “I need you today,” ang wika ko sa kabilang linya. Alas tres pa pero gising na ako. Hindi ako mapakali lalo pa at may bagay na tumatakbo sa aking isipan hanggang ngayon. I am waiting for his answer pero hindi naman siya sumagot sa sinabi ko. Hindi ko nga alam kung gising na ba talaga siya o natutulog pa. Matahimik din ang kabilang linya at wala akong narinig ni kunting ingay mula roon. “Levi, magsalita ka naman. Hello?” wika ko. Nakaharap lang ako ngayon sa bintana nitong unit ko. Malinaw sa aking paningin sa mga sandaling ito ang malawak na tanawin dito sa siyudad. Ilang segundo pa nang marinig ko ang tunog ng kumot. I know, it is Levi. “Luke. Sorry, natulugan kita. A—ang aga, bakit napatawag ka?” sambit nito sa kabilang linya. Pansin ko pa ang boses nitong sobrang hina

