Luke’s POV “Kailan ka ba magseseyoso, Luke?” “Magkakaasawa ka pa ba?” “Luke, ano na? Galaw—galaw naman diyan! Hindi ganiyan ang mga Montemayor! Ilang taon ka na pero parang mauuna pa yata ang mga nakakabatang pinsan mo!” “Bro! Ibang babae na naman? Hanggang kailan? Tatanda ka yatang mag—isa niyan!” “Kailan mo kami bibigyan ng apo, Luke? Matanda na ang mga magulang mo, saka na ba kapag nasa kabaong na?” Punong—puno na ako… Dapat ba na kapag Montemayor ay seryoso sa mga babae? Isa ba sa goal ng buhay ang mag—asawa at magpokus sa iisang babae lang? I am not used to it. Ang buhay na nakasanayan ko ay ang buhay sa paligid ng mga babae. Kaya kong magpalit ng babae sa oras na gusto ko. Kaya kong maghanap ng bago sa mga panahong araw ko na sa isa. Kaya kong magkaroon ng hindi lang isa