Amber’s POV I kissed him deeply. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin sa mga sandaling ito. Wala akong ibang magawa kung hindi ang sundin lamang ang siyang nararamdaman ko kahit na alam kong labag naman ito sa aking isipan. Pumikit pa ako habang marahang hinawakan ang kaniyang leeg. Hindi ko alam kung saang banda ng buhay ko ito natutunan. Alam ko sa sarili ko na kailanman ay hindi ko pa naranasan ang ganitong bagay. Ni ang paghawak sa kamay ng isang lalake ay hindi ko pa naranasan pero ngayon, hindi ko mawari kung bakit parang sanaay na sanay na ako. Basta tanging alam ko ay nagsimula ang mga ito kanina. Kanina nang halikan niya ako. Mula n’on ay parang may biglang nabuong kakaiba sa sarili ko na alam kong walang sino man ang makapipigil sa pakiramdam na iyon. Ni sarili ko ay w