Amber’s POV “Magsama kayo at ikaw,” mabilis kong tinuro si Luke at kasabay ng pagturo ko na iyon ang ang pagtiim ng aking panga. Ang sarap niyang sapakin at tadtarin at nang maramdaman niya ang sakit na dulot ng mga ginagawa niya. “Huwag na huwag ka nang magpakita sa akin,” mabilis kong pagpapatuloy saka mabilis ko na rin siyang tinalikuran. Kasing bilis ng hangin ang pag—alis ko sa comfort room na iyon. “Amber, wait for me,” rinig kong sambit sa kaniya pero kailanman ay hindi ako lumingin at talagang wala akong balak na lumingin. Hindi ko dapat pinag-aaksaya ang oras ko sa mga taong ganito. He don’t deserve my attention. Sabi ko na ng aba, eh! A playboy is always be a playboy. Walang puwang sa puso at isipan nila ang salitang pagbabago. Kung ano ang pagkatao nila ay tataglayin na nil

