Amber’s POV “Close your eyes,” I close my eyes as what the make—up artist said. Ilang minuto na rin akong narito sa botique na ito. The same make—up artist as usual. Nakailang pasok na yata ako sa botique na ito at hindi ko maipagkakailang pati ang baklang ito ay naging malapit na rin sa akin. Parang komportable na rin akong kasama siya dahil dito at dito lang namn ang tanging punta namin ni Luke sa tuwing may lakad kami. Ang tanging botique lang na ito ang siyang nag—aayos sa akin mula nang magkakilala kami ni Luke. “Sigurado akong mas lalong maiinlove sa ‘yo si Luke, Amber. Kakaiba ang dating mo. Excited na rin akong isuot sa ‘yo ang wedding gown mo!” pansin na pansin ko ang pagkagalak sa boses ng baklang panay pag—aayos sa akin ngayon. Hindi ko alam kung saan siya excited, kung sa p

