Amber’s POV “Bukas na ‘yan, sis. Alam kong pagod ka na. Let’s go?” ang boses ni sir Troy ang siyang bumungad sa aking pandinig. Mula sa maseryosong pagtingin sa aking monitor ay mabilis pa sa hangin akong bumaling sa kaniya. “S—sir,” mabilis kong tawag sa kaniya kasabay ang pagtingin sa kaniyang mga mata. Kaagad na nagkasalubong ang aming mga tingin. “Sir ka riyan. Hindi ba at sinabi ko sa ‘yo na huwag mo akong tawaging sir kung tayong dalawa lang?” mabilis nitong wika nito sa akin dahilan upang mapangiti ako. Nakakatawa itong si sir Troy. “Sis,” mahinang wika ko. Nakakailang man pakinggan lalo pa at nasanay na akong tawagin siyang sir pero siguro masasanay rin ako pagdating ng panahon. Alam kong ngayon lang ito nakakailang dahil talagang nakakagulat naman talaga ang pangyayari. “Sig

