Chapter 5

1051 Words
Amber’s POV ALAS singko nang bumaba akong ground floor. Alas singko ang out for duty ko kaya hindi na ako nag—aksaya pa ng oras para bumaba. Well, alas tres pa lang ay tapos na naman ako sa trabaho ko. Hindi naman mahirap at maglinis sa kompanyang ito. Bukod sa marami naman kaming housekeeper ay oriented rin ang mga staff at workers dito sa Montemayor’s INC. Isang beses lang ay sapat na. Hindi naman sila makalat kaya hindi ko na kailangan pang uulitin ang paglilinis sa isang lugar. Nagmamadali akong nagtungo sa elevator. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago iyon nagbukas. Hindi na ako makapaghintay pang umuwi at magpahinga. So far, okay naman ang araw ko. Buong araw akong kabado lalo pa sa huling binitawang katatagan ni Mr. Montemayor sa akin kanina. I’ll expect a call from his dad. Buong akala ko ay mapapatawag ako sa opisina at mapapagalitan pero hindi naman sa awa ng diyos. Ilang saglit pa nang magbukas ang pinto nitong elevator. Hindi ko na pinansin ang nag—iisang taong nakasakay roon dahil sa pagmamadali ko. Kaagad akong pumasok doon nang hindi man lang lumilingon. I then press the ground floor button saka hinintay na magsara itong elevator. Napatingin pa ako sa cellphone ko para makita kung may importanteng message ba ako roon but seeing nothing makes me feel relax. This this is quite frustrating for me. Sana bukas ay tuluyan nang maging maganda ang araw ko. Saka hindi ko na gusto pang makasalungat ang aroganteng lalaking iyon. Sinisira lang niya ang araw ko! Sa halip ay makapokus ako sa trabaho ko ay ginugulo niya! Hindi kaya biro ang magiging housekeeper. “Anong oras na ba?” isang baritonong boses ang kaagad na bumalot sa aking tainga. Hindi ko na ininda pa at inalam kung sino ang taong nagsasalita ngayon mula sa aking likuran. Tahimik lamang akong tumingin sa relos sa aking palapulsuhan upang alamin ang oras. “Five—fifteen.” Kalmado kong sagot sa tanong niyang iyon. Umangat pa ako ng tingin saka pumikit para marelax ang sarili ko. Nas 8th floor na naman ako kaya ilang takbo pababa na lang ay makakalabas na rin ako sa kompanyang ito and that’s the time I can call it a day. “Hanep, ah. Late kang pumasok pero sakto ang oras ng paglabas mo. Malulugi ang kompanya niyan sa ‘yo.” Sambit niyang muli. Sa gulat ay muntik ko nang mabitawan ang hawak—hawak kong cellphone ngayon. Napalunok ako ng sarili kong laway. Gusto ko siyang lingunin ngunit hindi ko magawa. Walang ibang nasa isipan ko kung hindi ang aroganteng lalaking iyon. It was Luke Montemayor, the arrogant son of Mr. Lucas Montemayor. Dammit! Hindi ko napansing siya pala itong nasa loob ng elevator! Kung alam ko lang sanang ang lalaking ito ang nasa loob ay pinili ko na lang sanang maglakad sa hagdanan kaysa sa sumakay sa elevator na ito kasama siya! “S—sir. A—ano ang ginagawa mo dito?” ang tanong na unang lumabas sa aking bibig. “Ay mali! Ang ibig kong sabihin ay—” “Ako ang nagtatanong niyan dapat sa ‘yo, Miss San Jose. Bakit ka nandito?” tanong niya pabalik sa akin. Napalunok ako ng sarili kong laway. Fuck! Ano ang gagawin ko at paano ko siya iiwasan ngayon? “Out of duty ko na po sir. May masama ba sa pag—uwi galing trabaho?” tanong ko na may halong pagmamayabang sa aking boses. Tama naman ang sinasabi ko at kahit saang banda tingnan ay karapatan ng isang trabahante ang umuwi sa oras ng off duty hours nila! 8 hours is enough for regular employees na tulad ko! “Wala namang masama. But my point here is that you are coming late at work in the morning while leaving it on time. Nasaan ang hustisya n’on?” tanong nito. Hindi ko man tanaw ang presensya niya ngunit ramdam na ramdam ko ang mga tingin niya sa aking nakakatunaw sa sobrang tinik. Kahit kailangan talaga! Kailan ba mawawala sa mundo ko itong lalaking ito! Kailan ba niya ako lulubayan? Parang kahit saang sulok nitong kompanya ay naroon siya at nakasunod sa akin! “Wala ka nang pake roon. Saka I am below 15 minutes late at nakaayon iyon sa kontrata na pinirmahan ko.” mahinang sambit ko. “Are you questioning my ability, Miss San Jose? Baka nakalimutan mong anak ako ng may ari ng kompanyang ito? At kaya kong sabihin sa daddy ko ang sino mang gusto mong patalsikin dito.” Matigas na boses ang pinakawalan niya. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niyang iyon. Nakakainis siya. Palagi na lang niyang pinakikialaman ang trabaho ko. Kung tutuusin ay anak lang naman siya at wala siyang kaalam—alam kung ano ang totoong pagod sa likod ng mga trabahong nakikita niya sa loob ng kompanyang ito. Oras at pera lang ang nasa isipan niya at wala nang iba pa. Hindi man lang niya insip ang pagod ng bawat manggagawa dito at isa na ako roon. Kung tutuusin ay hindi sapat ang sahod na binibigay nila para sa katulad kong tagalinis. Oo, taga linis lang kaya wala siyang karapatang kontrolin pati ang sarili ko. Ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway at mapahugot ng malalim na hininga just to calm myself from anger. “Madali lang naman akong kausap, eh.” mahinang sambit niya. Sa naging tono ng kaniyang boses ay parang may pinapahiwatig siya pero pinilit kong huwag itong paninsin. Nanatili lamang sa numero sa harapan ko na pababa nang pababa. Makarating lang ako sa ground floor ay hihirit talaga ako palabas nitong kompanya at nang maiwasan ko siya. Pinalipas ko ang ilang segundo habang alam kong may kasunod pa ang binitawan niyang katatagan. I close my eyes just to relax myself. Baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at tuluyan ko na siyang masapak. Pagod pa naman ako sa trabaho at nandito siya para dagdagan ang pagod kong iyon?! Aba! It is a big no for me! “Sumama ka sa akin ngayong gabi at kakalimutan ko ang kabardagulang ginawa mo sa trabaho,” pagpapatuloy pa nito dahilan upang tuluyan nang manuyo ang aking lalamunan nang magsink in sa utak ko ang binitawan niyang katatagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD