Amber’s POV Tulad ng sinabi ni Luke ay dumaan nga talaga kami sa fast food. 24—hours open naman ang mga fast food store rito sa siyudad kaya hindi hamak na sa ganitong oras ay bukas pa sila. Naiwan lang akong mag—isa sa loob ng kotse ni Luke habang siya naman ay nasa pumasok sa store at siya na rin ang mismong nag—order doon. Ilang minuto na akong naghintay sa presensya ni Luke mula rito sa loob ng mismong sasakyan niya. He left his phone in front the the car kaya napatingin ako roon. Dumating na kami sa puntong ganito na ang relasyon namin but I don’t even have a chance to open his phone. Ni isang beses ay hindi ko nabuksan ang kaniyang cellphone kaya ngayon ay parang may kung nabubuo sa aking isipan at nararamdaman na kunin ang kaniyang cellphone at buksan iyon. But a passage is what

