Caily Aella Carson-Smith's "Delivery for Ms Caily Carson..." Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka nang may mag-deliver ng isang bungkos ng mga rosas. It's actually very pretty, pero kanino naman ito sana nanggaling? "I didn't order any flowers, Kuya." Ngumiti ang lalaki at muling iniabot ang bulaklak na hindi ko pa tinatanggap, "Galing ho sa boyfriend niyo, Ma'am." Boyfriend? Kinuha ko iyon at napansin ang nakasilid na note. Nagpasalamat ako sa lalaki at nang makaalis na siya ay sinarado ang pintuan. My hand automatically reached for a folded paper in between the roses. I guess I knew it already... Sulat-kamay palang ay alam ko ng kay Dax ito. But what's the event? Bakit niya ako binigyan ng bulaklak? Hindi ko man maisip kung ano talaga ang meron ay kusang naglabas ng ngiti ang mg

