Kabanata 35 •CHARM POV• May ingat at dahan dahan 'kong nilalagyan ng ulam ang pinggan ni Sir. Ngunit ang taka ay bakas saaking mukha. Simula kaninang paggising n'ya ay tila may magnet ng nakakabit saaming katawan. Nagising ako kanina ng nasa tabi ko na s'ya at mahigpit ang yapos. Halos hindi na nga s'ya makaligo dahil ayaw n'yang humiwalay saakin. Tinatanong ko s'ya kung anong problema ngunit ang lagi n'ya lang sinasabi ay ma mimiss n'ya ako. Hindi ko naman s'ya maintindihan dahil sa t'wing papasok s'ya sa opisina ay naandito narin s'ya pagsapit ng gabi. At nagbibigay ng isang araw sa isang linggo para makasama ako, 'yun ang ayon sa kanya. Nagulat naman ako ng tumayo at pinaluputan ako sa likod. Napailing naman ako, ayan na naman s'ya. Hindi s'ya makakakain kapag nagpatuloy pa s'ya n