Kabanata 19 •CHARM POV• Nagising ako dahil sa tawanan na aking narinig. Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mata, ngunit gano'n nalang ang aking pagtataka ng wala akong makita. Iginalaw ko ang kamay ko ngunit nakatali ito saaking likuran. Pati paa ay iginalaw ko ngunit nakatali din. Naramdaman ko din ang bibig kong may tape. Bwesit! Nagsalita parin ako kahit imposibleng may makaintindi no'n. Dahil nagbabakasakali ako na may tumulong saakin. "Look! She's awake." Hindi ko makita ang nagsalita dahil sa aking piring. Pero nakakasiguro ako na isa s'ya sa dumukot saakin. Mga yabag ang aking narinig matapos na may magsalita. Yabag na papunta sa direksyon ko kaya naman nagpupumiglas ako para makawala ngunit bigo ako. "Huwag mo ng tangkain pa dahil imposibleng makaalis ka d'yan sa pagk