Kabanata 17 •CHARM POV• Napaikot naman ako ng maalala ko ang basket na dala ko. Bwiset! Nakita ko ang masaya n'yang mukha. Naisahan n'ya ako, Charm minsan ang tanga mo! Mabilis akong naglakad sa table n'ya kung nasan naroroon din s'ya. "C'mon stupid girl, may gana ka pang bumalik ha." Hindi ko inintindi ang sinabi n'ya. 'Yung basket lang naman ang kailangan ko. Nang marating ko ang table n'ya ay saktong kukunin ko na ang basket ng hawakan n'ya ito at ilayo saakin. "Akin yan!" Wala na akong pake kong amo ko man s'ya basta inis ako at hiyang hiya sa nangyari. Tumayo ito at nakangising tumingin saakin. "Sure kang iyo 'to?" Napaisip naman ako, napapikit nalang ako na mapagtantong kanya ang bagay na iyon. Dahil sa kusina ng mansyon ko lang 'yun kinuha at paniguradong pagmamay-ari n'y