•CHARM POV• Malungkot akong napasandal sa sofa na kinauupuan ko, dalawang linggo na akong tengga habang dinadanas ang pasakit na ginawa sa aking ng demonyong magkapatid na 'yon. Hindi ko alam kung paano ako makakaganti sa kanila, puro puot at galit lang ang nasa puso ko basta magawi sila isipan ko. Halos balian na ako ni Treyston ng paa dahil sa ibinagsak nito sa akin. Buti na lang at nadala at nagamot ako ng mga doktor sa tulong ni Goss. Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko ito, tulad nga ng inaasahan ko ay ilalayo at ilalayo n'ya ako kay Adam pero bukod do'n ay wala ng nagbago sa kanya. Si Goss pa rin s'ya na nakilala ko, inaalagaan n'ya ako tulad ng dati, nakikipag-usap ng normal at kumikilos na parang wala s'yang ginawang masama sa akin. Ikinulong n'ya ako sa bahay na ito k