CHAPTER 18

1329 Words
MABILIS ang galaw ng daliri ni Mira sa keyboard ng kaniyang laptop banag naka-three-screen setup siya sa mismong dining table. Coffee mug sa kaliwa, half-eaten siopao sa kanan, at isang program deep diagnostic code sa gitna. “Come on, come on… trace that backdoor. Lintek ‘tong firewall na ‘to,” she muttered under her breath. At bigla namang may kumatok. “Ano na naman ‘to?” she mumbled, not even looking. Hindi niya pinansin kung sino ang kumakatok. Wala siyang panahon para doon. But the door opened anyway, and she heard the familiar steps. “Mira.” Napatigil si Mira sa pagtipa ng keyboard. Oh. Wow. “For the first time,” sabi ni Mira nang hindi tumitingi sa dumating. “Anong panis na pagkain ang nakain mo, Esther? At nagawi ka sa condo ko.” She turned dramatically from her laptop and blinked. “Wala ka bang dala? No food? No offering sa goddess of code?” Esther rolled her eyes. Itinaas niya ang hawak na paper bag. “Pandesal at cheese roll. Pasok ba ‘yon sa offering?” Mira grinned. “Pwede na.” Aniya. “Halika dito. Just don’t touch anything with blinking lights.” Lumapit naman si Esther sa kinaroroonan ni Mira saka ibinaba sa lamesa ang dalang pagkain. Tahimik lang siya at medyo kabado? Mira’s hacker senses tingled. “Teka,” sabi niya. “You’re not just here for my wifi and carbs. Spill it, Esther.” Tumingin naman si Esther kay Mira. She inhaled deeply and showed her softest smile. “I’m planning to introduce Ciaran to my parents." Napatitig si Mira kay Esther. “Seryoso ka?” Tumango si Esther. “Esther, this was a big step.” “I know.” Naningkit ang mata ni Mira. Then she leaned back in her chair with her arms crossed. “Girl, that’s not small news.” Esther laughed nervously. “Does he know? Like, as in may idea ba si Vireaux na papasok siya sa Sorrell territory?” Tumango si Esther. “He knows.” “You sure about this, Esh?” Nagtaas ng kilay si Mira. Kumuha siya ng isang cheese roll at kumagat roon. “Yes. Pinag-isipan ko na ito ng mabuti. I’m taking a big step in our relationship.” Napatigil si Mira sa pagnguya at naningkit ang tingin niya kay Esther. May napansin siya sa kaibigan. Parang nag-glow up ito. Alam niyang simple lang si Esther na manamit at mag-ayos sa sarili. Pero kahit naman simple lang ito, litaw pa rin ang taglay nitong ganda. “Wait lang, Esh. Parang may nag-loading sa utak ko, eh.” Sabi ni Mira. Ibinaba niya ang hawak na cheese roll. “Sabi mo na you’re taking big step into your relationship. May nangyari na ba sa inyo? Oh my god, you heed my advice?!” Namilog pa ang mata niya. Namula si Esther. “No…” Napailing si Mira. “You’re a terrible liar, Esther.” She crossed her arms. “Kahit hindi mo sagutin ang tanong ko, alam ko na. Your cheeks are turning tomato red. At hindi ka rin makatingin sa akin deretso.” Esther groaned, burying her face in her hands. “Miraaa…” “Yes!” Mira threw her fists in the air. “Finally! Diyos ko, Esther. Akala ko tatanda kang nakaholding hands lang!” “Can you not please announce it like I won the Olympics?” Natawa si Mira. “Bakit hindi ba?” She pointed to Esther. “Girl, I’m so proud of you. You crossed the line. You rode the dragon!” Nasamid si Esther sa sariling laway. “Anong dragon?” “Vireaux dragon, obviously. Duh!” Esther facepalmed. “Oh my God.” Ngumisi si Mira. “Okay. Okay. Kidding aside, okay ka ba? Okay kayo?” Mas lalo pang namula si Esther. Then, she smiled. A quiet, honest kind of smile. “I’m more than okay.” At ‘yon ang gustong marinig ni Mira. Ngumiti siya. “That’s good. Kasi kung hindi siya marunog, may balak akong i-hack ang personal server niya para mapahiya siya sa buong internet.” “Mira…” Tumawa naman si Mira. Esther stayed at Mira’s condo afternoon. Umalis na lamang siya nang makita niyang alas kwatro na ng hapon. “Esh…” Esther turned to Mira. Nasa labas na siya ng pinto ng kaibigan at nakangisi si Mira habang nakasandal ito sa may door frame. “Ang payo ko sa ‘yo, dapat hindi lang isang beses.” Kumindat si Mira. Napailing na lamang si Esther. “Ikaw? Kung ano ang pinagsasabi mo.” Nagkibit lang naman ng balikat si Mira. “Payo ko lang naman at ikaw rin ang makikinabang.” Esther just smiled and left. Umuwi siya sa sarili niyang condo at nagluto ng dinner nilang dalawa ni Ciaran. Yes, sa condo niya umuuwi si Ciaran. Simula ng may nangyari sa kanila, sa condo na niya ito namamalagi. May damit na nga ito sa closet niya, eh. And it’s been a week since that memorable night. She was already healed. Ilang araw rin siyang hindi nakaagtrabaho dahil sa naranasan niya. Nakahiga na lamang siya sa kama. Daig pa niya ang imbalido dahil sa unang tatlong araw, sobrang sakit talaga. Pero inalagaan naman siya ni Ciaran at hindi siya nito pinabayaan. Katatapos lamang ni Esther na magluto nang marinig niyang bumukas ang pinto at pumasok si Ciaran na mukhang pagod. Esther smiled. She looked at her wristwatch. “Ang aga mo ata ngayon.” Lumapit si Ciara sa kasintahan at niyakap ito. “Of course, may naghihintay sa akin, eh.” Ngumiti lang si Esther saka hinalikan si Ciaran sa pisngi. Tinulungan niya itong hubarin ang suot nitong coat. “Wash your hands and let’s eat.” Ciaran obeyed. As they sat at the dining table and ate dinner, Esther got Ciaran’s attention. “There’s something I want to do.” “Okay…” Ciaran swallowed his food. “Is this about your condo? Kasi, if you want me to repaint the walls, I’m gonna need hazard pay—” Natawa si Esther. “God. No. Hindi ‘yon, Ran.” Sabi niya saka tinignan ito sa mata. “I want you to meet my parents.” For a moment, Ciaran didn’t say anything. Napatitig na lamang siya kay Esther. Kapagkuwan napakurap siya. “Wait, what?” Tumango si Esther. “They’ve been asking about you. And I think it’s time.” Lumambot ang mukha ni Ciaran. “You’re serious?” Muling tumango si Esther. “I am. It’s not about impressing them or proving anything. Gusto ko lang na malaman nila na ikaw ang taong gust kong makasama kung mamarapatin habang buhay.” Nasabi ‘yon ni Esther dahil hindi niya nakikita ang sarili na may kasamang iba. Si Ciaran lang ang nakikita niya at wala ng iba. Ciaran set down his mug. “And you’re sure? Kasi if this is just for formality—” “It’s not,” pigil ni Esther. “Ran, I wouldn’t ask if I wasn’t ready.” Ciaran stared at Esther for a moment. Then he showed a warm smile. “Okay. Let’s do it.” Napakurap si Esther. “Hindi ka ba kinakabahan?” “Of course, I’m nervous, sweetheart.” Natawa ng mahina si Ciaran. “Mga magulang mo ‘yon. But if this is what you want, then yes. I’d be honored.” Nakahinga ng maluwang si Esther saka tumayo. Niyakap niya si Ciaran. “Salamat.” Ngumiti si Ciaran. “Pwede ko bang dalhin si Lucien?” he asked. “You know, support system.” Natawa naman si Esther. “Only if I can bring Mira.” “Then it’s a deal.” Pareho silang natawa. Then they sat there, grinning at each other like fools. Because somehow, that one simple decision felt bigger than most declarations. Esther looked at Ciaran. I want him fully in my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD