IDA Seven years later... I AM busy cooking in our kitchen when my phone vibrated. Si Joy na akala mo naman galing sa ibang bansa at takot na takot maligaw. Pareho kami lumaki dito pero pinagpipilitan niya na marami na ang nagbago sa Quezon kaya natatakot pa din siyang maligaw. “Nasaan ka na ba banda? Alam mo para kang sira. Dalas-dalasan mo kasi ang uwi dito para hindi ka takot mawala.” Halos pasinghal ko na sabi sa kanya. Baka isipin na naman ni Solana galit ako pero ganito talaga kami mag-usap ng ninang niyang ulaga sa direksyon… kagaya ko noon. Si Vixen lang naman ang nagturo sa akin kung paano mabilis na matandaan ang bawat puntahan namin. [Ay, wow, naging stable lang sa Quezon grabe na kung maka-singhal,] Nilagay ko sa baywang ko ang isang kamay saka huminga ng malalim. The past