Vixen Nagising ako dahil sa tunog ng camera flash na nagmula sa gilid ko. Alam kong si Ida iyong kumukuha ng picture at hobby niya talaga iyon. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at pinaling sa kanya. She is smiling from ear to ear while holding a polaroid film. Malalim akong napabuntong hininga saka nag-inat dahilan para umisod siya at isinandig ang ulo dibdib ko. Pinakita niya sa akin ang picture na nakuhaan kanina nung tulog ako. “Ang gwapo naman nito. Single pa kaya siya?” Gusto kong matawa sa mga sinasabi niya. Ang spontaneous lang talaga ni Ida at maging ako'y nagagaya na din sa kanya. “He's taken,” sabi ko at bumangon lang siya. “taken by some spontaneous lady who's looking at me like she's going to eat me.” Hinampas niya ako ng unan at naramdam ko na lang na bumaba siy