Ida Pakiramdam ko may kinalalaman ako sa pag-re-resign ni Kryz ng biglaan. Ramdam ko pero kalahati lang isip ko lang ang bothered dahil yung kalahati pa'y sumisigaw na tama lang ang mga sinabi ko sa kanya. Parang may angel at devil sa parehong gilid ng ulo ko ngayon. Umaasa ako na magising na siya sa katotohanan at titigil sa paninisi kay Vixen. Boyfriend iyon na kailangan ko ipagtanggol at protektahan kahit hindi niya hingin. Feeling strong lang din minsan ng mokong na ito at sigurado talaga akong may tinatago siyang sakit-sakit sa katawan. “Hindi ba tayo aalis?” tanong ko kay Vixen habang nakahilig sa balikat niya. We're watching our favorite series on TV that has a new episodes. Naubos na nga namin yung popcorn at mga tinatamad na kumuha ng refill. “Saka na natin tapusin yung palabas