Tuwing walang meeting ay alas diyes ng umaga ako laging pumupunta sa kumpanya. Kailangan ko rin kasing maging Mommy sa mga anak ko. Pinapakain at pinapaliguan ko muna sila bago ako umalis. Hininto ko ang kotse ko sa parking area ng kompanya at dumiretso na ako opisina. Habang naglalakad ako sa hallway ay kapansin-pansin ang pag-iwas ng mga empleyado ko. Kung minsa ay iniiwasan nila akong makasalubong. Ilan sa mga dating empleyado ay tinanggal ko dahil sa mga kalokohan na ginawa sa kompanya. Kaya ngayon ay halos mga bago ang mga empleyado ko. Napansin kong maraming nag-aabang sa elevator kaya lumapit ako upang sumakay. Ngunit ng bumukas ang elevator walang nais sumabay sa’kin. Nakataas ang kilay kong nakatingin sa kanila. “Wala bang sasabay?” Hindi ko mapigilan sabihin. Nag-uunahan sil