“Mommy!” tawag sa ‘kin ni Levie. Nasa loob kami ng isang department store at may bitbit siyang isang maong pants at polo shirt. “Bakit?” tanong ko sa kanya. Sinama ko si Levie na para siya ang pumili ng mga gamit niya. Tinaas niya ang hawak niyang mga damit. “Mommy, ito ang gusto kong bilhin.” Tumango ako. “Okay, pumili ka pa ng ibang damit na gusto mo.” Kinuha ko ang damit na pinili niya para ako na ang magbibit. Habang namimili ako ng damit ng anak ko ay may biglang tumawag sa ‘kin. “Veronica?” Nilingon ko ang nagsalita. Isang magandang babae ang nasa harapan ko. Makinis ang katawan niya at sexy. Bigla tuloy akong nahiya sa katawan ko. Pakiramdam ko kasi ay napabayaan ko na ang sarili ko dahil sa itsura ng kaharap ko. “Do I know you?” tanong ko sa kanya. Bukod sa maganda siya a