f**k! Sinipa ko ang kotse ng sapilitan akong palabasin ng security guard ng kompanya. Napag-alam ko kasing pumunta si Veronica sa kompanya. Panatag na sana ang loob ko ng mabalitaan kong hindi siya pumunta ngayon sa kompanya mas mapapanatag ako sa anumang mangyayari mamaya. "Relax, bakit hindi mo tanggalin ang nasa mukha mo para makapasok ka sa loob," ani Mathew. Nang sabihin ko sa kanya ang nalaman ko ay hindi siya pumayag na hindi niya ako samahan sa kompanya. Ngunit hindi naman ako makapasok sa loob. Nakalimutan kong alisin ang nakalagay sa mukha ko kanina. Sinundan ko kasi ulit si Rachelle bago siya pumunta sa kompanya at nalaman kong kinausap niya ang mga tauhan niya. Hindi tuloy ako pinapasok sa loob ng kompanya sa halip ay pinalabas ako. Kahapon ko pa ni-report sa mga pulis ang