Amara HINDI ko mapigilan ang aking sarili na magduda sa mga kinikilos ni Jayden nitong mga nakaraang araw. It’s like he’s hiding something from me. Nagsimula ang lahat nang kinailangan ko na umuwi sa bahay Martes at Huwebes. Hindi naman nawala iyong intimacy sa pagitan namin. Mas lalo pa nga niyon pinatibay ang pagsasama namin kaya lang may mga ganitong pagkakataon talaga na nararamdaman kong may tinatago si Jayden sa akin. We’ve been together for long and being with him all the time opens a new door for me to know my boyfriend more. Hindi na ako nag-focus sa past dahil hindi naman na iyon importante pa. Pinaka-ayoko lang sa lahat ay iyong may tinatagong sikreto ‘yung malapit pa sa akin. “Hey…” pukaw ni Jayden sa akin saka ginagap ang kamay ko. It’s Friday morning today and he fetched m