Amara AGAD ko pinaupo si Jayden sa harap ng vanity mirror sa loob ng aking kwarto. Wala ang Daddy at Tita Rosa ngayon na piniling mag-land travel para honeymoon nila. Wala rin akong kasama at mamaya pa babalik ang mga kaibigan ko na inimbitahan ko mag-sleep over. Pinaghintay ko siya doon at dali-dali akong pumasok sa aking walk-in closet para kuhain ang makeup kit bag. Matagal ko na ito gustong gawin at ngayon ko lang naiisipan dahil wala akong masyadong ginagawa. "P-para saan ito? Saka bakit nandito tayo sa kwarto?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Baka magalit ang parents mo, Ara." "Wala sila at may gagawin tayo," Agad ko napansin ang pag-awang ng labi niya matapos marinig ang mga sinabi ko. Ano ba ang iniisip niya na gagawin namin? Is he insane? Naiiling akong tumingin diretso sa