Jayden One year later “DADA!” Awtomatiko akong napangiti nang marinig ang matamis na tinig na iyon ng aking anak. Pinanood ko siyang tumakbo palapit sa akin at agad na nagpakalong. “Dada, ba!” turo niya sa basket ng grapefruit na dineliver sa bahay. Galing ang mga ito kay Lolo Mac at pinadala para may makain kaming mag-asawa na prutas. May mga hinog na mangga, mansanas at oranges din. Sakto dahil ang mga ito ang ginigiling ni Ara na hinahalo sa pagkain ni Isaiah. “Ba!” “What is it?” tanong ko. “Ba!” Tinuro niya ulit ang basket na may lamang prutas. Pilit ko pinroseso ang sinisigaw niya nang paulit-ulit. Inalalayan ko ang likod ni Isaiah ng lumiyad siya habang tinuturo pa rin iyong basket. “Daddy, ball po ang tawag niya sa lahat ng bilog na makita.” Napa-awang ang labi ko ng maintindih