Amara HANGGANG sa mga oras na ito'y hindi ko pa rin lubos maisip na iyong hinahanap namin ay malapit na kamag-anak ni Mama Rosa. After Jayden's revelations, I decided to back in here, inside my office to think alone. Eager akong malaman ang kwento ni Cherry at Mac pero baka may masalimuot na kaakibat iyong kwento na aming bubuksan. Kanina ko tinatanong ang sarili ko kung kaya ko na bang tanggapin iyong malalaman ko na katotohanan. I know this is something that Jayden and I should talked first but I chose to be alone here. Para saan pa iyong pangako namin sa isa't-isa na walang isasarang pintuan para sa isa't-isa? Huminga ako nang malalim at marahan akong tumayo mula sa aking kinauupuan. Kailangan ko kausapin si Jayden at kung pwede, sabay naming haharapin si Cherry para malaman namin a