LIV Makalipas ang ilang buwan ay katapusan na uli ngayon at bayaran ng renta nina Oli. Nandito ako sa apartment nila at kahit hindi na ako araw-araw magpunta ay sinisikap ko na dumaan kahit isang beses isang linggo. Usually, I would visit on Wednesdays dahil wala akong masyadong gawa sa school. Wala akong problema sa pag-aaral. Every other weekend ay umuuwi rin ako sa bahay ng parents ko. I find it hard to balance sometimes, lalo na at magkaiba kami ng gusto ni Dad. Despite that, I try to meet him halfway. The weather looked nasty outside. Malakas ang ulan at nagtext ako kay Nanay na kung pauwi na s'ya ay magmessage s'ya sa akin para masundo ko. Mahirap maghintay ng bus. I did the same thing with Oliver. Pero mas gusto pa n'yang maghintay sa shed at mabasa ng ulan ang laylayan ng pant