LIV Bukod sa kambal at kay Raven ay naging kasa-kasama ko si Josh sa mga lakad namin. Working student s'ya at nakakatuwa dahil kay sipag n'ya. He reminded me of someone I don't want to remember. "Tulala ka na naman. Halika at ililibre kita ng iskrambol d'yan sa tindahan," aya n'ya sa akin. Ang bahay nina Lola ay nasa tabi ng highway at kaunting lakad lang ay may tindahan na may tindang streetfoods. May nagtitinda rin doon ng iskrambol. Tamang tama 'yon dahil napakainit ng panahon ngayon. Sumama ako sa kanya at tahimik kaming naglakad. Wala s'yang pasok ngayon kaya pinuntahan n'ya ako. At nang makabili ang ilang bata ay sumunod kami. Iskrambol is so refreshing. Kapag naubos ko ito ay parang gusto ko ng isa pa. "Wala sa New York n'yan, kaya samantalahin mo na. Hindi naman 'yan nakak