LIV Gaano ba katagal dapat patagalin ang isang tampo? Twenty-four hours? A week? Isang buwan? Sa lahat ng tampo, ito na yata ang pinakamatagal. Oliver has not talked to me for months. Kay Nanay lang ako nangungumusta at kahit s'ya ay kay tagal ko ng hindi nakikita. Iniwasan kong pumunta sa apartment nila para na rin sa ikatatahimik ni Dad, at para bigyan ng space ang boyfriend ko. Kung noong una, natotolerate ko pa, habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa. Sa school ay hindi ko s'ya napagkikita at halata ang pag-iwas. Hinayaan ko s'ya sa gusto n'ya pero kung umaasa lang ako sa wala ay mas mabuti pang tapusin na namin ito para isang sakit na lang. Hahanap ako ng magandang t'yempo. Finals na sa isang araw at malapit ng magtapos si Oli. Siguro naman, pagkatapos ng exams ay maluwa