Chapter 40

1789 Words

CHARLIE "MISS Charlie, tara lunch tayo!" aya ni Karen sa akin nang dumating ang oras ng tanghalian.  Nag-angat ako ng tingin upang tingnan ito. Bago sumagot ay bahagya muna akong sumilip sa opisina ni Kaleb upang tingnan kung nakapagtanghalian na rin ito. Simula nang pumasok ito sa kanyang opisina ay hindi pa rin ito lumalabas kaya siguradong hindi pa ito nanananghalian. Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Karen saka malawak na ngumiti. "Oh, sige. Saan ba kayo kakain?" tanong ko matapos kong kunin ang aking wallet mula sa aking bag. "Ah, sa canteen lang. Kumakain ka ba sa mga gano'n, Miss Charlie?" usisa nito. "Hoy! Feeling close ka talaga, Karen. Hindi ka na nahiya kay Miss Charlie," saway ni Sarah nang makalapit kami sa kanila na kasalukuyang naghihintay sa amin. "Hindi, ayos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD