CHARLIE MATAPOS kong kumuha ng kuwarto para sa aking pinaplano ay agad kong itinext ang nakuha kong stripper tungkol sa oras at kung anong numero ng kuwarto ang kanyang pupuntahan. Dahil sa sobrang pagiging abala ay hindi ko na namalayang kanina pa pala nila ako hinahanap. "Charlie, saan ka ba galing?" takang tanong ni Karen sa akin nang makita ko ang mga ito sa lobby ng resort kung saan kami tumutuloy. "M-May kinausap lang ako saglit," pagdadahilan ko. "Saan nga pala ang kuwarto ko?" "Tanungin mo na lang si Miss Edna. Siya kasi nag-assign sa amin sa mga kuwarto namin." "May activities na raw ba tayo ngayong araw?" "Wala pa ata. Dinner at get together lang mamayang gabi. Bukas pa raw mag-start ang mga activities para sa team building," paliwanag ni Karen. "Ah, gano'n ba? Sige salama