CHARLIE "GOSH! You're heavy!" reklamo ko matapos ko siyang maibagsak sa kaniyang kama. Nakapamaywang akong nakatingin sa lasing na si Kaleb. "I—need another—d-drink..." turan nito saka muling nagsubok na bumangon. "No more drinking for you!" saway ko rito saka muling itinulak pahiga sa kama. "Mahirap pa lang mag-alaga nang lasing," turan ko sa aking sarili. "I need—a drink!" muling hiyaw nito. "You need a bath! You stinks!" ganting bulyaw ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong sumuka nang pauwi kami sa condo niya. Kinailangan ko pang magpatulong sa guard para lamang maiakyat siya rito nang maayos. He reeks of alcohol and cigarette. Isama pa ang maasim na amoy ng suka nito. Ilang beses ko na siyang nakasamang uminom pero ngayon ko lamang ito nakita nang ganito kalasing.