KALEB DALI-DALI kong dinampot ang susi ng aking sasakyan na nakapatong sa ibabaw ng aking bedside table. Malalaki ang mga hakbang akong naglakad palabas ng aking bachelor pad. I was scrolling over my phone trying to find her number so I can call her. "Sh*t!" I loudly cursed when I realized that I didn't even have her number on my phone. Nang makababa ako sa parking lot ay agad akong sumakay sa aking sasakyan. Agad akong umupo sa driver seat at binuksan ang makina. Ngunit bago ko pa man iyon patakbuhin ay tinawagan ko muna si Emma, nagbabakasakali akong alam niya ang number ni Charlie. May kakaibang takot akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. May pakiramdam kasi akong kapag hindi ako nagmadali ay hindi ko na siya aabutan. At baka tuluyan na rin mawala ang pagkakataon kong makasa