Ilang araw na ang lumipas magmula nang makatanggap ng tawag na galing sa D’La Costa-Montemayor Resorts, ang mag-asawa na sina Lander at Nicole. Ayon sa caretaker ay may mga pulis na nagpunta doon upang mag-imbestiga. Kaya naman ay ipinatawag ang mga bodyguard ni Nikolai, pati na ang tatlong anak na sina JB, Nikolai at Nickolas. At bago pa makarating nang mansion ang mga anak ay nakausap na ni Lander ang dalawang bodyguard ng anak na si Nikolai. “Dad, kararating ko lang pasensya na kung medyo late ako. May problema po ba tayo sa company?” “JB, mamaya na tayo magusap pagdating ng mga kapatid mo, at hindi ito tungkol sa kumpanya.” “Ah, okay po.” Naupo na lang si JB sa harapan ng ama at hindi lingid sa kaniya ang pagka balisa nito. Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawa