PAGDATING sa bahay ay nakaramdam siya ng panghihina, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin matanggap na isang kriminal at asawa ni Favio Ramirez, ang kaniyang ina. “B-Babe, bakit ganyan ang itsura mo? Saan ka ba galing halika maligo ka.” “I’m sorry kung nakita mo ako sa ganitong kalagyan.” “Ano ba ang nangyari?” “Si Madam, siya ang pinuntahan ko.” “Ano? Bakit hindi mo sinasabi na doon ka pala pupunta, sana nasamahan kita?” alalang alala siya kay Allanah. “No need, dahil ang matagal na nating hinahanap ay ang aking ina.” “W-What? T-Totoo ba ang sinasabi mo?” “Yeah, nakita ko ng dalawang mata ko at kaya ganito ang itsura ko ay dahil sa mga tauhan niyang sumubok na harangin ako.” “Huwag mo munang isipin iyon, halika at paaliliguan kita. Dahil mamaya lang ay baka hahanapin ka n

