One week later… Pagdating nila ng bahay ay my mga pulis na naghihintay sa kanila, kaya naman ay tinanong niya ang mga ito kung bakit naroroon. “Officer, ano po ang kailangan ninyo?” napaisip siya kung tungkol iyon sa nangyari sa mga anak at kay Brian. Dahil wala naman silang pinagsasabihan o ginagawang report upang puntahan sila ng mga pulis. “Ms. Aaliyah De Lion?” “Yes officer, pumasok kayo.” “Salamat, Ms. Aaliyah.” Nasalubong nila ang itinuturing na kapamilya, “Aling Pacing, pakibigyan ho sila ang maiinom at ihahatid ko lang sa kwarto si Levi.” “Sige Alli, ako na ang bahala sa kanila.” Matapos magpasintabi sa dalawang police officer ay inakay na niya ang anak paayat sa kwarto nito. “Ano po ang kailangan nila, mommy?’ “Hindi ko rin alam anak, mamaya ay malalaman ko pagbalik ko r