Pagkatapos ng walong taon ay muli siyang tumapak sa bansang sinilangan, pitong taon gulang na rin ang triplets na sina Luke Alli, Nick Liam and Jed Levi. Pansamantala ay nag-stay sila sa isang business hotel habang wala pang mga gamit sa bahay na nabili niya. Pinakiusapan niya si Aling Pacing na maging kasama nila upang may umalalay sa tatlong bata pag wala siya. Nag-hire din siya ng ilang kasambahay at hardenero, hindi lang upang ma-maintain ang kalinisan o maalagaan ang mga halaman kundi may makasama sila sa malaking bahay na iyon. “Mommy, malayo po ba dito ang bahay ni Daddy Niko?” “Malayo anak, sa Makati Forbes sila at ang lugar ng bahay natin ay sa Fairview.” “I see.” “Bakit mo pala natanong anak?” hindi niya inaasahan na iyon ang unang itatanong sa kaniya ng anak na si Luke. “W