One day later, Philippines… “May problema ka ba Ben? Kanina pa kita napapansin na alumpihit sa kinatatayuan mo.” “We need to go in Hawaii, may mahalagang bagay ka na dapat malaman.” “Hindi ako maaari na magtungo pa sa ibang lugar Ben, tumawag na ang personal assistance (PA) ko at kailangan ko nang bumalik ng England.” “Pero mahalaga ang bagay na iyon, buhay ninyo ng kakambal mo ang nakasalalay sa pagpunta natin doon." "A-anong ibig mong sabihin Ben, at paano mo nalaman ang tungkol sa tunay kong ama?” “Hindi ko rin alam ang buong detalye pero ayon sa taong may hawak ng mga ebidensya ay gusto nila na makaharap ka kung kailangan na ikaw ang magtago o ibigay mo sa kanila ang hawak mong solid evidence. At wala raw silang tiwala sa kahit sino, unless ikaw mismo.” “Paano ako nakakasiguro

