GINISING si Aaron, nang malakas na katok mula sa nakasaradong gate. Ayaw sana niyang bumangon dahil sa hangover gawa ng naparami ang nainom niya sa nagdaang kagabi. Ngunit tila hindi makapaghintay ang taong iyon. Kaya naman pupungas pungas na binuksan ang gate. Napaatras siya nang makita ang duguang babae at bigla rin nawala ang antok niya. “P-Please h-help me… i-itago mo ako.” Napa lakas ang ginawang pag sara niya sa gate at mabilis na dinaluhan ang babae. Kamuntik na itong mapa handusay sa sahig kundi niya nasalo agad ang katawan nito. “A-Aaron, anak sino ang babaeng ‘yan?” wika nang kaniyang ama na nakatayo sa 'di kalayuan. “I-Itay, paki buksan ho ang bodega.” sa halip ay 'yon ang sagot niya sa ama. “Bakit anong gagawin mo doon?” “Kailangan walang makakita sa kaniya, iyon ang paki

