PAGKARATING nila sa penthouse ay isa-isang binuksan ni Allanah, ang lahat nang naroon na files. Kahit ang mga listahan ng matataas na tao ay kaniya rin nakita. “Saan mo nakuha ang lahat ng ito?” "Diyan sa cellphone na pagmamay-ari ng isang babae." "Who is she?" “Isang babaeng sugatan ang napag buksan ng pinto ni Aaron. Dahil malala ang tama at humihingi ng tulong ay kaniyang pinatuloy. Ayon sa naging reaksyon ng babae ay kilala ka niya nang banggitin ang pangalan mo. Ang nakakapagtaka lang ay bakit nalaman ni Anthony ang kinaroroonan ng babaeng ‘yon. Pagkatapos ay dumating doon at sinaktan pa ang kapatid ko.” “Not sure kung totoo ang lahat nang mga files na na ito. Isa kang lawyer, pag-aralan mong mabuti. Gano’n din ako, kasi sa tingin ko naman ay totoo ang pinapakita ni Anthony sa’y

