“Alli, may naghahanap sa iyo naroon sa labas.” “Sino raw ho Aling Pacing?” “Hindi ko natanong ang pangalan pero maganda ang sasakyan at sa palagay ko ay mayaman.” “Sige ho pupuntahan ko muna salamat,” napabilis ang paglabas niya at tama ang kaniyang hinala. Naririto si Nickolas upang sunduan ang tatlong bata kagaya ng ipinangako ko. “Pasok muna kayo, at tatawagin ko lang ang triplets.” “Thank you Ms. Aaliyah.” "Walang anuman," at iniwan na niya ito. Pagdating sa kabahayan ay tinawag niya si Aling Pacing, “pakibigyan ho sila ng maiinom.” “Sige Alli, ako na ang bahala sa kanila puntahan mo ang mga bata naroon sa playroom.” “Pakibigyan mo na rin sila ng cokies,” at tinalikuran na ang ginang. Nadatnan ang mga anak na nagtatawanan. “Mga anak, nariyan ang uncle Nickolas n’yo kaya mag

