MADILIM ang kwarto nang dumating si Aaliyah, may pagtataka na sa ganoong oras ay wala ang asawa. Saan na naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon, pagbukas ng pintuan ay kinapa ang switch ng ilaw at nagliwanag ang buong paligid. Naphinto siya sa pag hakbang nang makitang nasa ibabaw ng kama si Nikolai. Tulog na tulog ito habang nakalaylay ang kabilang braso sa gilid ng kama. Nilapitan ito upang itihaya ng hindi mangalay ngunit napansin ang may takip na gasa sa gilid nito at agad na itinaas mabuti ang t shirt. Napa kunot-noo ng mapagtanto na may sugat ito doon at medyo sariwa pa. Maingat na inalis ang cover ng nawala nasa pagkakadikit at tumambad sa paningin ang pahaba nitong sugat. "Niko, gising!" "A-Asawa ko, sorry nakatulog ako kumain ka na ba?" sabay bangon niya at agad na inayos ang suo

