HINDI na niya nagawang magpaalam sa kapatid, dahil baka nakakaistorbo pa siya kaya umalis na lang. Pagdating sa mansion Montemayor, ay agad na sinalubong siya nang nag-aalala na asawa. "Are you okay?" Minamasdan siya ni Aaliyah, sa bawat parte ng katawan. Siguro inaalam kung may sugat siya. "Ayos lang ako baby, kaya wala kang dapat na ipag-alaala. Nasaan pala ang mga bata natutulog pa hanggang ngayon?" Si Levi, nasa swimming lesson, si Liam naroon sa kay Aaron at ai Luke, gumagawa ng assignment." " Sa ganitong oras?" "Oo, dahil weekend daw kaya ginagawa na niya upang makapaglaro siya ng basketball." "I see, ahm… baby hindi pa pala ako kumakain." "May mga pagkain sa dining, pumunta ka na doon… "Hindi mo ba ako sasamahan? I mean sabayan mo akong kumain?" "Katatapos lang namin, akala

