Six months later… HATINGGABI, hindi pa rin dalawin ng antok si Nikolai. Kaya ang ginawa ay lumabas at tinungo ang kuwarto ng mga anak. Inuna niya ang kay Princess Nica, matagal niya itong pinagmasdan at hindi nakatiis ay tumabi sa higaan. Dinama niya ang anak, kaya binuhat iyon at ipinatong sa dibdib. Hinalik halikan ang ulo at pumikit, lihim siyang umuusal ng panalangin para tuluyang paggaling ng anak. Marami siyang pagkukulang sa mga ito lalo na sa kaniyang asawa. At hindi niya maitatama ang lahat ng kamalian hanggang hindi niya sinusunod ang payo ng kaniyang dating yaya. Ngayon ay muling nasa kulungan na si Beary Ramirez, at ang huling hearing sa kaso ng taong resposible sa pagkasunog ng Triplets Law Firm ay kusang sumuko. Kahit hindi siya naniniwala na hindi ang taong nasa kulungan an

