ILANG araw na ang lumipas magmula nang nakabalik si Nikolai. Ngunit naninibago si Aaliyah, kakaiba ang kinikilos nito pero ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda. Mahal na mahal niya ang asawa, kaya kailangan niyang unawain ang pagbabagong nagaganap sa pagsasama nila. Ang mahalaga ay kapiling nila itong muli at kung kailangan niyang siya ang mag-adjust ay ayos lang. Kinalma ang sarili at naglakad patungo sa lanai. Tumigil siya sa pag lapit dahil may naririnig siyang mga boses. At dahil hindi masyadong marinig ay lumapit pa siya sa kinaroroonan ng dalawang tao na nag-uusap. “Alam kong naninibago ang aking asawa, pero kahit pilitin ko ang aking sarili ay hindi ko magawa.” “Baka dahil sa pinaranas sa’yo ng babaeng ‘yon kaya nagkakaganyan ka.” “Pare, s*x lang ‘yon at sanay na ako sa mga gano

