SA gym, focus si Aaliyah, sa ginawa niyang training. Hindi siya nakakaramdam ng pagod magmula ng malaman sa asawa ang gagawing plano. Kahit hindi maiwasan ang matakot malaki naman ang tiwala niya sa mga taong kasangga nila. Lalo pa at sanib pwersa ang gagawin ng lahat upang tuluyang hulihin ang kaniyang ina. Sana lang ay walang mag traydor kagaya ng dati kaya pumalpak sila. “Hey! Baby, focus okay?” Okay, sorry.” at mabilis na ginawa ang bawat sabihin ng asawa. Ngayon ay kakalabanin niya ang kapatid upang malaman kung pwede na siya sa pakikipag laban. “Ready?” “Yes, Master,” mabilis na sagot niya sa asawa. “Be careful baby, at tandaan mo ang pinaka importante. Isipin mong hindi mo siya kapatid. Dapat nga ilagay mo sa utak mo na si Beary Ramirez, ang kalaban mo ngayon.” “Yes, Master.”

